Pasko ay Pagsamba

Madalas natin makita
Pag Disyembre’y sumapit na
mga parol sa bintana
mga ilaw na iba’t iba
Himig ng nagkakaroling
Mga batang parang angel
kay sarap alalahanin
Unang Pasko natin

Pasko ay pagsamba
Ito’y alam mo ba
Sangol sa sabsaban
Dala’y kapayapaan
Hesus ang ngalan niya
karapatdapat siya
Pasko’y kanyang kaarawan
Siya lamang ang papurihan
Ano kaya ang iniisip mo
sa tuwing sasapit ang pasko
makatanggap ka ng regalo
o pagaalay ng buhay mo
di kayang pantayan
ang labis nang pagmamahal
tayong lahat ang dahilan
ng kanyang kamatayan

Pasko ay pagsamba
awitan natin siya
tayo ay magdiriwang
kasabay natin ang kalangitan
buhay iaalay
sa pagsisilbihan
Pasko ay panambahan
Kay Jesus na Diyos na tunay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: